Systems maintenance ng BPI mamayang gabi na; online banking, mobile app at ATMs hindi magagamit

May isasagawang systems maintenance activity ang BPI mamayang gabi.

Sisimulan ang maintenance alas 10:00 ng gabi ngayong Biyernes, September 18, 2020 at tatagal hanggang alas 11:59 ng gabi ng Sabado, September 19.

Sa nasabing mga petsa at oras hindi magagamit ang sumusunod na serbisyo:

Online banking
Mobile app
BizLink and ELink platforms
ATMs and CAMs
Debit card services
Branch banking (September 19 to 20)

Mananatili namang available ang serbisyo ng credit card at prepaid cards.

 

 

 

Read more...