Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa ilang lugar sa Palawan

Patuloy na inuulan ang ilang bahagi ng Palawan dahil sa Habagat.

Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA alas 8:06 ngayong umaga nga Biyernes (Sept. 18), orange warning level ang nakataas sa Kalayaan Islands.

Yellow warning level naman ang umiiral sa Southern Palawan.

Babala ng PAGASA ang mga apektadong lugar ay maaring makaraanas ng pagbaha dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan.

Muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas11:00 ng umaga.

Read more...