Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Sept. 18) ay 30,333,728 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 306,400 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 45,700 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 96,700 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 35,700 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,874,045
India – 5,212,686
Brazil – 4,457,443
Russia – 1,085,281
Peru – 744,400
Colombia – 743,945
Mexico – 680,931
South Africa – 655,572
Spain – 625,651
Argentina – 601,713