Infanta, Pangasinan niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 5 kilometers northwest ng bayan ng Infanta, alas-7:18 umaga ng Biyernes (September 18).

May lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...