Ilang bayan sa Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang bayan sa Quezon.

Ayon sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 7:13 ng umaga ngayong Biyernes, Sept. 18 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa San Francisco at San Andres, Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...