Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nadagdagan
Muli pang nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.11 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (September 18) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 178.05 meters.
Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.28 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.33 meters habang nanatili naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.05 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao,Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga, San Roque, at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.