Lulan ng New Diamond ang 1,700 na tonelada ng fuel nang ito ay magliyab na nagresulta sa pagkasawi ng isang Pinoy crew nito.
Ayon sa tagapagsalita ng Attorney-General sa Sri Lanka, may sapat na batayan para kasuhan ang kapitan ng barko sa ilalim ng marine pollution act at criminal negligence.
Pagbabayarin din ng Sri Lanka ang may-ari ng barko na Porto Emporios Shipping Inc. para sa environmental clean-up at damages.
Lulan ng barko ang 23 crew kabilang ang 18 Pinoy nang ito ay magliyab sa Indian Ocean noong Sept. 4.
Ang 22 na nakaligtas sa insidente kabilang ang kapitan ng barko ay naka-quarantine sa hotel sa Southern Port City ng Galle sa Sri Lanka.