Biyahe ng LRT-1 ilang minutong nagka-aberya

Ilang minutong nagkaroon ng problema sa biyahe ng Light Rail Transit – 1 matapos magkaroon ng problema sa Balintawak Station.

Alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes (Sept. 18) nag-abiso ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nagpatupad ng “stop for safety” mula Yamaha Monumento to Balintawak.

Alas 5:09 ng umaga naman, nilimitahan ang operasyon ng LRT-1 at sinabing Baclaran to Yamaha Monumento at vice versa lamang muna ang biyahe.

Agad namang nag-deploy ng engineering team sa Balintawak Station para ayusin ang problema.

Alas 5:19 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

 

 

Read more...