Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa ilang lugar sa Palawan

Patuloy na inuulan ang ilang bahagi ng Palawan dahil sa Habagat.

Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA alas 5:00 ngayong umaga nga Biyernes (Sept. 18), red warning level na ang nakataas sa Kalayaan Islands.

Orange warning level naman ang umiiral sa Southern Palawan.

Habang yellow warning naman sa Northern Palawan at sa Occidental Mindoro.

Babala ng PAGASA ang mga apektadong lugar ay maaring makaraanas ng pagbaha dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan.

Muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

 

 

Read more...