Central Visayas, nakapagtala ng higit 100 na kaso ng COVID-19

Nagkaroon pa ng 101 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 17, 20,120 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa 20,120, 1,521 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 60 ang bagong gumaling kung kaya 17,373 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,226 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...