Naitala ang mga bagong kaso mula sa 498 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (September 17), 4,025 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 568 o 14.11 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 3,417 o 84.89 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES