334 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 334 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 17, umakyat na sa 8,553 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,673 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 70.30 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

224 naman ang gumaling pa kaya 4,752 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 128 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...