Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang sentro ng lindol sa layong 278 kilometers Southeast ng naturang bayan.

Tumama ang pagyanig dakong 7:50 ng gabi.

Tectonic ang origin nito at 5 kilometers ang lalim.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa Sarangani at iba pang bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...