21 pang Filipino abroad, nagpositibo ng COVID-19

Nasa 21 ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 17, umakyat na sa 10,360 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 77 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,003 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

13 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,580 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, apat naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, 777 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,036 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,173 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 807 naman ang kaso sa Americas at 1,344 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...