PCSO head ng Arroyo administration, sumakabilang-buhay

Bandang 9:20 ng umaga ng Huwebes nang sumakabilang buhay si dating PCSO Chairperson Ma. Livia ‘Honeygirl’ Singson-de Leon.

Ang pagkamatay ng 74-anyos na si Singson-de Leon ay kinumpirma ng kanyang anak na si Quezon City Coun. Don de Leon.

“It is with a heavy heart that we would like to announce that our mother quietly passed away this morning,” he said. “We ask for prayers, that her soul finds eternal rest with our Creator,” ang mensahe ng konsehal.

Napaulat na noong 2004 ay na-stroke si Singson-de Leon habang nasa isang pulong sa Baguio City.

Pinamunuan niya ang PCSO sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Siya ay nakakabatang kapatid ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson.

Wala pang detalye hinggil sa burol ni Singson-de Leon.

Read more...