597 katao, huli dahil sa paglabag sa safety protocols at mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 597 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (September 16), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (September 17).

Nasa 240 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 153 adults naman ang lumabag sa curfew habang 150 ang menor de edad.

16 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...