Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 17), umabot na sa 276,289 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 63,408 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,375 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 53 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 4,785 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 317 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 208,096 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.