Pagdinig sa 2021 budget ng DPWH, sinuspinde

Ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagdinig sa panukalang P85 bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Kasunod ito ng manipestasyon ni House Minority Leader Benny Abante matapos hindi magustuhan na inisnab ng karamihan sa mga opisyal ng ahensya ang budget hearing.

Sabi ni Abante, ginawa sa plenaryo ng Kamara ang pagdinig sa budget ng ahensya upang maraming opisyal nito ang makadalo physically.

Sa pagdinig, bagama’t present ay nasa zoom naman si Secretary Mark Villar habang dalawang undersecretary lamang ang present sa plenaryo.

Bukod dito, pinuna rin ni Abante ang pangit na internet connection ng mga taga-DPWH.

Wala namang tumutol sa mosyon ng lider ng minorya na isuspinde ang paghimay sa budget ng DPWH.

Ito na ang ikatlong ahensya ng pamahalaan na ipinagpaliban ang pagdinig kung saan nauna ang sa Presidential Communication Office at sa Department of Health.

Read more...