Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa proposed 2021 budget ng CHED, sinabi ni Chairman Prospero de Vera na nagkakaroon sila ng administrative problem pagdating sa manpower.
Hindi aniya tumaas ang bilang ng kanilang mga personnel sa regional offices kahit na tumataas ang bilang ng mga estudyante na nag-e-enroll sa higher education institutions.
Wala pa aniyang 1,000 ang kanilang mga tauhan sa buong bansa kung saan sa bilang na ito 600 lamang ang plantilla positions.
Lumalabas na tatlo hanggang apat na personnel lamang sa bawat regional offices ang humahawak sa libu-libong scholarship beneficiaries ng CHED dahilan kaya mabagal ang pagproseso nila ng mga dokumento.
Mas lalo pa aniyang nag-usad pagong ang kanilang pagpoproseso nitong tumama ang COVID-19 pandemic dahil maging ang mga estudyante ay hindi rin makalabas ng tahanan para asikasuhin ang kanilang mga aplikasyon.