Magnitude 3.3 na lindol, naramdaman sa Davao Oriental

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 9 kilometers Southeast ng Governor Generoso.

Naramdaman ang pagyanig bandang 1:04 ng hapon.

25 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, wala namang napaulat na pinsala sa mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...