Staff ni Gabriela Rep. Brosas nagpositibo rin sa COVID-19

Inquirer file photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli rito ay ang lalaking staff ni Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Huli aniyang nagtungo sa Batasang Pambansa Complex ang lalaking staff ng kongresista pero wala naman itong ‘significant contact’ sa mga kawani ng Kamara.

Ito na ang ika-76 na bilang ng mga taga-Mababang Kapulungan na nagpositibo sa sakit.

Nauna rito, inanunsyo ni Brosas na positibo siya sa COVID-19.

Mayroong 15 aktibong kaso ng sakit sa Kamara.

Read more...