Online teacher learning program inilunsad sa Pasig City

Matagumpay ang paglulunsad ng Online Teacher Training Program sa Pasig City.

Ang naturang training program ay tinawag na “HEROES2021” ng Pasig City LGU

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mayroong mahigit 1,600 na public at private school teachers ang nag-enroll sa programa.

Katuwang ng LGU sa programa ang Thames International, EduRescue, Akadasia, DepEd, at mga private sponsor.

Ayon sa alkalde, gumagastos ng higit sa bilyong piso ang lungsod para sa edukasyon, ngunit kulang ito kung hindi sasabayan ng training o capacity development para sa mga guro.

At dahil bago para sa lahat ang “blended learning” ay mabuting magkaroon ng mga pagsasanay.

 

 

Read more...