1 patay, 1 nawawala sa hagupit ng Hurricane Sally sa Alabama

Kumpirmadong isa na ang nasawi habang mayroong isa pang nawawala sa pananalasa ng Hurricane Sally sa Alabama.

Ayon kay Mayor Tony Kennon ng Orange Beach, bagaman hindi naman nagtamo ng matinding pinsala ang Orange Beach ay nakapagtala sila ng isang nasawi.

Sa Baldwin County, maraming bahay ang nawalan ng kuryente.

Mula Alabama, mananalasa din sa Florida ang bagyo.

Nagbabala na si Florida Gov. Ron DeSantis sa mga residente na maaring magdulot ng pagtaas ng tubig sa mga ilog sa Florida ang ulang dulot ng bagyo.

 

 

Read more...