2 hinihinalang kidnapper patay sa engkwentro sa Rizal

Patay ang dalawang hinihinalang kidnapper sa engkwentro sa mga otoridad sa Teresa, Rizal.

Ayon sa PNP-Anti-Kidnapping Group, ang mga nasawi ay kinilalang si Rodel Basi at anak niyang si Romar.

Tinarget ng operasyon ang bahay sa Sitio Ibabaw 2 sa Dulongbayan para isilbi ang search warrant laban kay Rodel Basi.

Pero habang papalapit pa lamang ang mga pulis ay nagpaputok na ang mag-ama.

Ang dalawa ay sangkot umano sa insidente ng kidnapping biktima ang ilang Indian nationals.

Sangkot din sila sa gun for hire at insidente ng murder sa lalawigan.

 

 

 

Read more...