Convenience store at Boarding House sa Makati ipinasara

Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay ang ang pagpapasara sa dalawang business/commercial establishment sa lungsod.

Bahagi ito ng patuloy na crackdown ng LGU sa mga business establishments sa lungsod na mayroong mga paglabag.

Nagpaskil ng closure order ang mga tauhan ng Makati Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa entrance door ng SASA Convenience Store at isang Boarding House sa bahagi ng Metropolitan Avenue.

Ayon sa BPLO, nag-ooperate ang dalawang establyimento nang walang business permit na malinaw na paglabag sa City Revenue Code.

 

 

Read more...