Bettor mula Batangas, wagi ng mahigit P8.5M sa 6/42 lotto

Isang lotto bettor mula sa Batangas ang nagwagi ng mahigit P8.5 million na jackpot sa 6/42.

Nakuha ng nasabing bettor ang winning number combination na 18 25 10 28 22 at 27.

Napanalunan ng nag-iisang bettor ang aabot sa P8,597,525 na jackpot prize.

Ayon sa PCSO, ang winning ticket ay binili sa isang lotto outlet sa Batangas.

 

 

 

Read more...