Mega Quarantine Facility sa Iligan, binuksan na

May sarili nang Mega Quarantine Facility ang Iligan City.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary at isolation czar Mark Villar, ang pasilidad ay mayroong 120-bed capacity at nai-turnover na ito ng DPWH sa local government unit (LGU).

Pormal itong binuksan kahapon, (Sept. 16) sa National Steel Corporation (NSC) Global Multi-Purpose Building.

Kabilang sa makikinabang sa pasilidad ang mga COVID-19 patients at suspects sa Iligan City at mga kalapit nitong bayan.

 

 

Read more...