COVID-19 cases sa Central Visayas, pumalo na sa 20,000

Nagkaroon pa ng 122 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 16, 20,020 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa nasabing bilang, 1,486 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 120 ang bagong gumaling kung kaya 17,314 na ang COVID-19 recoveries.

Mayroon naman isang nasawi sa naturang probinsya.

Dahil dito, 1,220 na ang COVID-19 related deaths sa Central Visayas.

Read more...