Mga gumaling sa COVID-19 sa Navotas City, nadagdagan ng 36

Nasa 21 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 16), umakyat na sa kabuuang 4,716 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 321 ang aktibong kaso o katumbas ng 6.8 porsyento.

36 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,263 na ang total recoveries o 90.4 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 132 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...