VP Robredo dapat dagdagan at hindi bawasan ang budget – Sen. de Lima

Naniniwala si Senator Leila de Lima na karapat-dapat na mabigyan ng mataas na budget ang Office of the Vice President sa susunod na taon.

Giit niya, napapatunayan naman na talagang nagseserbisyo sa sambayanan si Vice President Leni Robredo.

Binanggit pa nito na muling binigyan ng pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit (COA) ang opisina ni Robredo.

Kaya pinuna ni de Lima ang pagtapyas pa sa hinihinging budget ng OVP sa 2021 na P723.39 milyon at ginawa na lang itong P679 milyon na pinakamaliit sa 2021 national budget.

Diin ni de Lima, ito ay malinaw na panggigipit ng mga administrasyong-Duterte sa hindi nila kapanalig.

“Hiyang-hiya naman ang kakapiranggot na budget ng OVP kumpara sa bilyon-bilyong intel fund ni Duterte,” ayon sa senadora, dagdag pa nito,” mas gusto ba ng rehimeng ito na higit paglaanan ng budget ang mga ahensyang palpak at gatasan ng mga tiwali nilang kaalyado?”

Read more...