Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (September 16).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,473,294 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.12 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,329,625 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,090,907 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,773,204.
Umabot naman sa 7,720,584 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,801,703 sa Senior High School.
Nasa 1,730,067 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 382,936 sa Alternative Learning System.
64,800 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.