Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 111 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-5:13 hapon ng Miyerkules (September 16).

May lalim na 39 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...