Orange rainfall warning, nakataas sa Palawan

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Visayas.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:14 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang orange warning sa southern portion ng Palawan, at Kalayaan Islands.

Yellow warning naman ang nakataas sa Occidental Mindoro at nalalabing bahagi ng Palawan.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Samantala, inalis na ang heavy rainfall warnings sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Negros Occidental, Southern Leyte at Leyte.

Read more...