Tumawag agad si Sen. Christopher “Bong” Go sa Philippine Consulate sa Sydney para alamin ang detalye ng nangyari kay Inocencio Coy Garcia.
Nabatid na makikipagpulong na rin si Consul General Ezziden Tago sa kapatid ni Garcia na si Jess Garcia, na umaasa na talagang matutulungan sila ng gobyerno ng Pilipinas.
Himutok ni Jess, unang binigyan lang sila ng listahan ng mga abogadong Filipino para sa kanyang kapatid.
Ngunit sa pagbaba ng hatol kay Inocencio Garcia noong Setyembre 3, si Maybel Marinay-Caparino, na mula sa Philippine Consulate, ang dumating sa korte at nag-obserba lang ito hanggang sa masentensiyahan ang una.
Nasentensiyahan si Inocencio ng hanggang 14 buwan na pagkakakulong at pitong buwan na walang parole sa kasong unlawful broadcast / publishing of the name of a child ng Mt. Druitt Local Court.
Bago pa ito, kinausap na rin ni Sen. Ramon Revilla Jr., ang konsulado ng Pilipinas sa Australia para bigyan ng tulong ang pamilya Garcia.
Taong 2014 nang kinuha ng Family Community Services and Justice ang dalawang anak ni Inocencio kasunod nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
Samantala, hiningi na rin ni Sen. Imee Marcos ang mga dokumento ng kaso ni Inocencio para pag-aralan ang maibibigay na tulong-legal.
Inaasahan naman sa pagdinig ng 2021 budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado ay makakamusta ng tatlong senador ang sitwasyon ni Inocencio.