Sa budget breifing sa Kamara, sinabi ni DSWD Dir. Gemma B. Gabuya na nagkaroon ng attrition sa 4Ps dahilan upang tanggalin ang mga nasabing pamilya.
Paliwanag ng opisyal, hindi na qualified ang mga ito sa requirements ng 4Ps kaya sila ay tinanggal at pinalitan.
Sa kasalukuyan, nasa 4.3 milyon ang 4Ps beneficiaries ng DSWD at target na maitaas ng hanggang 4.4 milyon bago matapos ang taong 2020.
Mababatid na sa mga nakalipas na buwan kabilang ang 4Ps beneficiaries sa nabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Base sa latest data ng DSWD, 97 percent na ng 14.1 million target beneficiaries ng second tranche ng SAP ang napahatiran ng tulong pinangsyal.
Aabot na sa P82.7 billion ang naipamahagi ng kagawaran sa pamamagitan ng direct payout at digital payment system.