Rep. Arlene Brosas, positibo sa COVID-19

Congress photo

Nagpositibo sa COVID-19 si Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Ayon kay Brosas, wala naman siyang nararamdamang kahit anong sintomas ng COVID-19.

May mga doktor na aniya ang tumawag sa kanya upang i-check ang kanyang pakiramdam.

Sabi ni Brosas, huli siyang nagtungo sa Kamara noong September 2, 2020 upang kumuha ng suweldo sa Finance Section at matapos iyon ay sa kanyang opisina lamang sa labas ng Congress siya naglalagi.

Wala na aniya siyang ibang pinuntahan kaya inaalam nila kung isa sa kanilang mga bisita sa opisina nakuha ang sakit.

Nagkaroon aniya siya at ang kanyang close-in staff ng lagnat noong nakalipas na linggo kaya minabuti na sumailalim sa swab test.

Hindi pa aniya lumalabas ang resulta ng test sa kanyang staff.

Wala na rin naman aniyang nararamdamang sakit ang kanyang staff.

Sa ngayon aniya ay naka-isolate na siya at nagsasagawa na ng contact tracing sa kung sino ang kanyang mga nakasalamuha.

Ayon naman kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, si Brosas na ang ika-10 kongresista na tinamaan ng COVID-19 mula sa kabuuang 75 kung saan lima na ang nasawi.

Mayroon namang 15 aktibo ng COVID-19 ang Kamara.

Read more...