Bilang ng ridership sa apat na rail lines, nasa 14.49-M na

Umakyat na sa mahigit 14.49 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa datos ng DOTr, nasa 14,493,659 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang September 13.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula June 1 hanggang August 31:
LRT-1 – 6,291,097
LRT-2 – 1,836,490
MRT-3 – 3,239,501
PNR – 928,763

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula September 1 hanggang 13:
LRT-1 – 983,619
LRT-2 – 303,123
MRT-3 – 736,939
PNR – 174,127

Matatandaang nagkaroon ng temporary shutdown ang MRT-3 mula July 7 hanggang 12 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng tren.

Read more...