Cataingan, Masbate nakaramdam muli ng aftershock

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Cataingan, Masbate.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 27 kilometers Northwest ng nasabing bayan bandang 1:23 ng hapon.

14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock pa rin ng tumamang magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan noong August 18.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar at mga karatig-bayan.

Read more...