Red rainfall warning nakataas pa rin sa bahagi ng Palawan

Nakararanas pa rin ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa maraming mga lugar sa Palawan at sa Visayas.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 11:10 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 16, Red warning level na ang nakataas sa Southern portion ng Palawan at sa Kalayaan Islands.

Orange warning level naman ang nakataas sa Central Cebu, nalalabing bahagi ng Palawan, Ocidental Mindoro at sa Negros Occidental.

Yellow warning level naman ang umiiral sa Leyte, Bohol at sa Negros Oriental.

Ang pag-ulan ay dulot ng Habagat at Tropical Storm Leon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa posibleng flashflood at landslides na maaring maidulot ng patuloy na pag-ulan na nararanasan.

 

 

 

Read more...