Korte sa Malolos City, Bulacan sarado hanggang Sept. 18; isang staff nagpositibo sa COVID-19

Sarado muna sa publiko hanggang sa Sept. 18 ang Branch 76 ng Malolos City, Regional Trial Court.

Ito ay makaraang isang staff nito ang magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang swab test.

Sept. 3 huling pumasok sa trabaho ang empleyado at simula Sept. 4 ay nag-self quarantine.

Sa memorandum ni Executive Judge Olivia Escubio-Samar, magpapatupad ng skeleton workforce bahang sarado ang korte.

Tuloy pa rin ang operasyon ng korte sa pamamagitan ng hotline numbers at judiciary email accounts.

 

 

 

Read more...