Sinas posibleng ma-promote ayon kay PNP Chief Cascolan

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kaniyang kinasangkutan, may tsansang mapromote si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Debold Sinas.

Ayon kay PNP chief Gen. Camilo Cascolan, deserve ni Sinas ang sumailalim sa evaluation at deserve din niya ang promosyon.

Ikinukunsidera ni Cascolan na italaga si Sinas sa directorial staff position sa PNP.

Naniniwala aniya siyang eksperto si Sinas sa pagsasanay ng mga tauhan at sa recruitment.

Magugunitang naging kontrobersyal ang mañanita birthday celebration ni Sinas noong May 8 sa Camp Bagong Diwa na kasagsagan ng pag-iral ng mahigpit na quarantine protocols sa Metro Manila.

 

 

Read more...