Ang 16 ay nahuling nag-iinuman sa Barangay Lower Bicutan na malinaw paglabag sa quarantine protocols ayon kay Cayetano.
Nagpasalamat naman ang alkalde kay COVID Shield Task Force Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mabilis na aksyon gayundin kay Taguig police chief Col. Celso Rodriguez.
Ang nasabing mga nadakip na indbidwal ay lumabag sa City Ordinance No. 27-89 na nagbabawal sa pag-inom sa public places.
Kinasuhan din sila ng paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code dahil sa resistance at disobedience to a person in authority.
Ayon kay Cayetano, patuloy na magiging mahigpit sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa lungsod lalo pa at isa ang Taguig sa may pinakamababang bilang ng active cases sa Metro Manila.
Bumuo na din ang Taguig ng 1000-man Tapang Malasakit Disiplina team na tutulong sa PNP sa pagpapaptupad ng normal ordinance sa lungsod.