P6.8M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng PDEA sa isang drug suspect

Aabot sa halos P6.8 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa operasyon na ikinasa sa EDSA.

Naaresto sa nasabing operasyon ang suspek na kinilalang si Jayson Legaspi.

Aabot sa isang kilo ng hinihilanang shabu ang nakuha sa suspek na tinatayang aabot sa P6.8 million ang street value.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng suspek na hindi niya alam na ilegal na droga pala ang laman ng kaniyang ide-deliver.

Mayroon lamang umanong nag-alok sa kaniya para i-deliver ang paper bag kapalit ng pera.

 

 

 

Read more...