Mahigit 7,800 na returning Overseas Filipino Workers napauwi na ng OWWA sa Region 2

Umabot na sa mahigit 7,800 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa Region 2.

Batay sa datos ng OWWA Regional Office 2 ang 7,890 na Returning Overseas Filipino Workers ay napauwi simula noong May 21 ng Mayo sa pamamagitan ng kanilang “Uwian Na Program.”

Batay sa datos ng ahensiya, nasa 3,514 na indibidwal na ang napauwi sa Isabela habang 2,457 naman ang nakauwi na sa Cagayan.
Pumapangatlo naman ang Nueva Vizcaya na may bilang na 911; Quirino – 364; at Batanes – 36.

Ang mga OFWs na nagbabalik probinsya ay sumasailalim sa COVID-19 protocols kabilang ang testing at quarantine.

 

 

Read more...