STL operations sa Ilocos Norte at Nueva Ecija balik-operasyon simula ngayong araw

Simula ngayong araw, Sept. 16 balik-operasyon na ang Small Town Lottery (STL) operations sa Ilocos Norte at Nueva Ecija.

Ayon sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), magpapatupad ng mahigpit na health protocols batay sa guidelines ng IATF sa mga lugar sa dalawang lalawigan kung saan pwedeng mag-operate ng STL.

Sa Ilocos Norte, mayroon lamang operasyon ng STL sa Lucky Pick Amusement and Development Inc.

Habang sa Nueva Ecija, mayroon lamang operasyon ng STL sa King’s 810 Gaming Corporation.

Mananatiling suspendido ang STL operations sa mga lugar na hindi nabanggit.

 

 

Read more...