Manila Cathedral bukas na muli sa publiko

Muling binuksan sa publiko ang Manila Cathedral.

Simula noong Marso, sarado ang simbahan dahil sa ipinatupad na quarantine measures ng pamahalaan bunsod ng pandemic ng COVID-19.

Nagsasagawa lamang ng online masses ang simbahan.

Sa muling pagbubukas simula ngayong araw, Sept. 16 ay 80 katao lamang ang papayagang makapasok kada misa.

Katumbas ito ng 10 percent capacity ng simbahan, batay sa guidelines ng IATF.

Ang mga magsisimba ay isasailalim sa temperature check, kailangang mag-sanitize at dumaan sa foot bath bago papasukin ng simbahan.

Kailangan din nilang isulat ang mga detalye gaya ng pangalan at contact numbers para magamit kung sakaling kailangang magsagawa ng contact tracing.

Simula Lunes hanggang Biyernes, ang misa sa Manila Cathedral ay alas 7:30 ng umaga at alas 12:10 ng tanghali.

Kapag araw ng Sabado, alas 7:30 ng umaga ang misa.

At kapag araw ng Linggo, alas 8:00 ng umaga, alas 10:00 ng umaga at alas 6:00 ng gabi.

 

 

 

Read more...