Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 176.50 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (September 16) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 176.20 meters.

Bahagya ding nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.37 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.15 meters habang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.04 mas mababa sa antas nito kahapon na 79.01 meters.

Samantala, ang water level ng Binga,Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque at Magat dams.

 

 

 

Read more...