Yellow warning nakataas sa Surigao del Sur

Nagtaas din ng rainfall warning ang PAGASA sa maraming lugar sa Mindanao.

Sa inlabas na abiso ng PAGASA alas 6:16 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 16, yellow warning na ang nakataas sa Surigao del Sur.

Ito ay dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan dahil sa Tropical Storm Leon at Habagat.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan din ang nararanasan sa Sulu, Tawi-tawi, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Davao Occidental, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, South Cotabato, at Sarangani.

Inuulan din ang bahagi ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao City, Zamboanga Sibugay, at Basilan.

 

 

 

Read more...