Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 423 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-2:41 madaling araw ng Miyerkules (September 16).

May lalim na 79 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lugar kaninang alas:11:51 ng gabi.

 

 

Read more...