Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 26 kilometers northeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-2:18 madaling araw ng Miyerkules (September 16).

May lalim na 194 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...